SA HULI PAREHO LANG PALA

Madalas tayong pumepreno
para maging maligaya.

Kasi marami tayong mga
sinusunod na basihan
na kung saan ang mga basihan
na ito kung ating uugatin
ay hindi gaano malinaw
sa atin kung sino o kung
bakit ito ang itinalagang
basehan para maging
masaya sa buhay.

Akala mo kapag marami
kang pera masaya yun!

Akala mo kapag nasa
mataas kang posisyon
at maraming tauhan
ay masaya yun!

Akala mo kapag nasa
ibang bansa ka ay
masaya yun!

Akala mo kapag mababa
timbang mo masaya yun!

at Akala mo kapag
magara ang kotse
mo ay Masaya yun!

basta marami pa iyan at
Lahat naman yan masaya
talaga pero ang kalagayan
mo ngayon at ang magiging
kalagayan mo kapag
nakamit mo na ang mga pinapangarap
mo ay masasabi mong pareho
lang.

Gigising ka parin sa umaga, kakain,
mamumublema, makikisama,
mangangarap ng bago at matutulog
sa gabi.

Sa huli pareho lang tayo
lahat, keh presidente o
isang ahente, keh milyonaryo
o ordinaryong tao sa huli
pare-pareho lang tayo…

Magugutom, malulungkot,
matutuwa at mabubusog…

Nasa proseso ng pag-iisip
mo kung papaano mo lubos
na mababago di lang
ang iyong buhay kundi
ang iyong mundo at mahinang
pwersa lang ang mga bagay o
tao sa external na buhay mo.

Kaya kung nagmumukmok
ka at tingin mo hopeless
ka sa buhay o di kaya
ay feeling mo nasa ere
ka ngayon at para bagang
napaka untouchable mo
ay tandaan mo itong pamagat
ng artikulo ko na nagsasabing

Sa Huli Pareho lang…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: