5 ELEMENTO PARA MAGKAROON NG LIBO-LIBONG FOLLOWERS SA INSTAGRAM

Ito po ang mga pangunahing paraan
kung papaano mo mapapalago ang
mga followers nyo sa instagram
na kung saan hindi kayo gumagastos
para tulungan kayo ng kung anung
ahensya para dayain ang mga followers.

Naniniwala ako na kung ang
lahat ng tema na ito ay
maipopost mo sa iyong instagram
ay sigurado na malaki ang
itataas ng inyong mga followers,
hindi ko po nasubukan ipost
lahat ng tema na nabangit ko
sa ibaba kung kaya tangap ko
na hangang dito ang mga followers
ko at masaya naman ako dito.

Ang payo ko pong ito ay base
sa aking mga obserbasyon
sa aking pagtingin-tingin
ng mga litrato sa instagram
sa mahaba-habang
panahon.

Kasi napapatanung
nga ako paano ang isang
taong di naman showbiz
or social relevant ay
may libo-libong followers?

Nag-isip at nag-suri
po ako at sa tingin ko
ang limang elemento o
paksa na ito ang mga
dahilan kung bakit sila
sinusundan ng marami.

5) PAGKAIN: ang pagpopost ng mga
masasarap na pagkain ay madalas
na kinagigiliwan ng mga photo
viewers sa instagram lalo na kung
ang pagkain na ipakikita mo
ay hindi mukhang comercialize,
yun tipo ba na may pagka personal
ang aura… halimbawa yung
taho o di kaya yung mga isaw
sa kanto pwede rin yung mga
pagkain sa canteen at mga
street foods sa lugar ninyo, dapat
yung pagkain na ipakikita mo
ay yung tipo ba na pag nakita
ng mga viewers ay mararamdaman
nila yung kung ano ang kinalalagyan
mo, parang yung inihaw na isaw
kapag nakita ito ng mga OFW’s
na tulad ko ang maiisip namin
kaagad ay yung mga panahong
nasa pilipinas kami o di
kaya ay kasama mga kaibigan
na nagiinuman, yung mga ganun ba…
ganun din sa inumin keh soft drinks,
alak o tubig dapat ang background
o yung scene ay bahagi o konektado
sa personal mong pamumuhay.
4) MGA KAGAMITAN: Ang pagpopost
ng mga mamahaling gamit o di naman
kaya ay mga antique ay isa sa
mga patok na paksa sa pagpopost
ng litrato sa instagram, tulad
ng pagpopost ng pagkain, kung
ang ipopost mong gamit ay
antique at konektado sa iyong
personal na pamumuhay ay
nagdudulot ito ng madramang
epekto sa mga tumitingin,
halimbawa yung tumba-tumba
ni Lolo o Lola marami
ang makaka-konek o relate
sa litratong ito at marami
din silang maiisip na ideya
patungkol dito. Syempre
yung mga mamahaling gamit
tulad ng bagong telepono
o di kaya ay kotse ay
wala na tayong dapat
pang ipaliwanag diyan pero
tandaan dapat ang litratong
ipo-post mo ay may
damdamin na sinasabi
sa mga tumitingin.

3) EVENTS: Yung mga festival o
kahit simpleng salo-salo lang
sa isang birthday o pagdating
ng kamag-anak mo mula sa ibang
bansa ay nakakahakot ng
attensyon sa mga viewers
ng instagram dahil kahit
papaano parang pakiramdam
ng mga ito ay kasama
rin sila sa ipinagdidiwang mo.

2) MGA CAPTION NA MAY SENSE:
Di mo kailangan maging spiritual
guru pero yung pagpopost ng
mga medyo brainy quotes ay nakakahatak
ng mga followers.

1) HALF NUDE CHICK(S) Kung babae ka
at nasa average ang grado ng figure
mo ay pwede na dahil
ang pagsusuot ng mga sexy
na damit o mga bikini ay siguradong
malaking bagay para makahatak ng
mga followers. Pero kung ikay
lalaki ang pwede mong gawin
ay magpost na kasama ang mga
babaeng naka sexy na damit o
bikini.

Syempre naman po may mga
taong talagang malapit sa
tao kung kaya marami siyang
followers at di na niya
kailangan na ipost ang
mga nabangit ko sa itaas
pero sabi ko nga ayon
lang sa aking obserbasyon
bilang taga-tingin ng
mga litrato sa instagram
ay ito ang na-obserbahan
ko na maaring mali o di naman
kaya ay siyang ito
ang mga pangunahing sangkap
para dumugin ang iyong
account😀

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: