KUNG MAY NAGPAPAKATANGA SA PAG-IBIG, MERON DIN SA PERA

May mga tao tayong kilala na
ilang beses ng nagtatanung sa atin
kung ano ba ang dapat nilang
gawin sa kanilang problema
sa love life at ilang beses
narin natin silang pinayuhan
at pinaliwanagan pero nakakainis
kung minsan dahil kung ano
ang pinayo mo sa kanila ay
siyang taliwas na taliwas
naman ang kanilang ginagawa.

May mga taong nagpapakatanga
sa pag-ibig kahit na ba ang
iba sa kanila ay matalino
naman, katunayan ang iba
sa kanila ay may mataas
na tinapos sa pag-aaral
at may mataas pang marka
pero ika nga pag dating
sa pag-ibig eh tanga!

Sila ba yung handang isakrepisyo
ang mga magagandang oportunidad
na iilan lang ang masusuwerteng
nakakakuha tulad nila pero sila ay
handang isugal ito
para lang sa malabong
pangako ng pag-ibig di umano…

Kung may nagpapakatanga
sa pag-ibig ay may mga
tao ring nagpapakatanga
dahil sa pera…

Ito naman yung mga taong
sabihin na nating may perpektong
love life pero ayus lang
sa kanilang isugal ito
kapalit ng pera!

Para bang hindi nila
nakikita o nalalaman na
may mga tao nga na handang
talikuran ang kanilang trabaho
o propesyon kung sakaling
dumating ang puntong matagpuan
na nila ang kanilang kabiyak
na magpapaligaya sa kanila,
may mga taong ganito, sa
kabila ng kanilang malalim
na pagmamahalan, pinagdaanan
at pinagsamahan ay pera lang
pala ang magpapatalikod sa
kanya at magpapalimot sa
mga matatamis na ala-ala

nakakatanga lang di ba?

Lahat naman ng tao ay may
kanya-kanyang panahon, lahat
tayo dadaan at dadaan din
sa KATANGAHAN SEASON yun nga
lang ang tanung alin kaya
sa dalawang ito ikaw mahahantong?

Ang maging tanga sa pera
o eng-eng sa pag-ibig?

Wag lang naman sana pareho
dahil kung magkaganun aba
panibago nanaman iyang artikulo
HAHAHAūüėÄ

Peace and Love!

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: