NAKALAMANG ANG NAGPALAMANG

Likas na paniniwala natin
na pagdating sa lamangan
mas mainam na tayo ang
mauna at kailan man wag
nating hayaang makalamang
sa atin ang ating kapwa.

Keh negosyo, personal na
buhay o kahit maging sa
pag-ibig.

Lagi tayong may listahan
sa ating utak kung anu-ano
na ba ang nailamang natin
o kung ano ang nailamang
nila at ito ay ating pinagkukumpara
na tila ba parang basehan
kung tayo ay nananalo ba
sa karera o napapagiwanan na…

Pero kamalaunan ipinakita sa akin
ng tadhana kung papaano lumalamang
ang taong nagpalamang… Parang
ang hirap paniwalaan ano?

Pero ganun tumrabaho ang
KARMA, kung ang gawa mo
ay manlamang sa kapwa ay
kamalaunan ganun din ang
gagawin sa iyo ng KARMA
maaring hindi sa larangan
kung saan ka mahusay, maaring
hindi sa trabaho mo o maaring
naghihintay lang ng tamang
panahon ang KARMA bago ito
rumesbak sa iyo pero ang sigurado
dito ay KAKARMAHIN ka ng naayon
sa kung ano ang iyong ginawa.

What goes around, comes
around ika nga…

Yung mga nagpapalamang
na sinasabi ko ay hindi
naman yung mga tatanga-tanga
kasi may mga taong sinasalaksak
na sa kanila ang tamang daan!
pero pinipilit parin niya
ang alam niyang daan na mali
naman!

Yung mga taong sinasabi
kung nagpapalamang ay
nalalamangan sila dahil
sa sinunod lang naman
nila ang patakaran at
dahil may mga taong
iniikutan ang PATAKARAN
para MAKALAMANG ay doon
sila nalalamangan.

Halimbawa nalang sa
pagkita ng salapi.
May mga taong kumakayod
ng patas para may magamit
na pangtustos sa kanilang
mga pangangailangan at
may mga tao namang nangdadaya
para matustusan di lang
ang kanilang mga pangangailangan
kundi pati narin ang kanilang
mga kapritso sa buhay.

Sa una akala mo nakakawa
yung mga taong patas
kung lumaban at kung minsan
naeenganyo ka na ring
mang-daya pero kamalaunan
makikita mo sa huli ang pagkakaiba
at mapapansin mong kapansin-pansin
ang pagkakaiba ng dalawa.

Pagdating sa sukatan ng
peace of mind at aura
ng kanilang pagkatao
ay mararamdaman mo ang
distansya ng isat-isa.

Madalas na nasa huli
ang pag-sisisi at sasabihin
mo na bakit ka pa nga
ba nanglamang sa bahagyang
ginhawa kung sa huli ang
kapalit naman ay napakabigat
na pagdurusa.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: