Oktubre 1, 2011

Many books are being written and many doctrines are being preached in order to tackle the answer about the question of WHAT’S LIFE PURPOSE? Let this article be the clear cut summary on answering the question just in case you want to skip the books, tapes and seminars that available in almost everywhere…

Like what the title of this article said the purpose of life is to LOVE… that’s all! Believe me, just pause for a while and think. Do you think the desire behind of wanting a purpose will end on the mere idea of serving others? The bottom line of serving others is because of LOVE. Whatever you give, received or feel LOVE the point of service is to express LOVE.

When I say love this is not the romantic love that we saw in TV but the love that I am talking about is more on ACTION rather than Feelings.

Its easy to identify the energy of love, as long that its on constructive energy that gives, life, healing, unity, connection, growth, freedom etc. that’s for sure is love.

The opposite is its up to you how to call what it is. All that will cause separation, hatred, pain, slavery etc is something you can call the EGO, Dark force etc.

The thing is that EGO and LOVE has many creative way to express, many roads that you can walk through to travel but some or most of us is being confused on love and ego. I know all of us want or need love and we all know love is the way but most of us are being mislead to walk the route of EGO and we tend that someday we will reach the destination of love, and unfortunately we don’t.

For the people who’s asking what the purpose of their life all I can say is what’s written on the holy scripture it said that

And God said, Let us make man in our image, after our likeness- Genesis 1:26

~ We came from God we are love cause God is Love

Dear friends, let us love one another, for love comes from God. Everyone who loves has been born of God and knows God. Whoever does not love does not know God, because God is love.-John 4:7-8

~Simply to say God’s work is to love, nothing more.

Whatever you do or whatever you intended to do remember that the north compass of life is LOVE…

Love you all



The Failure of most Religion today

Oktubre 1, 2011

When we hear The Man of God the ideas that might come to your mind are






And the list may go on…

What the Man of God would be like? You will agree that he is kind, patient, understanding, not easily angered, giver, believer and does not support evil deeds.

So you must also agree that the Man of God is the Man of Love because the characters that I’ve said are all available in the meaning of love if we will read I Corinthians 13:4-8 it said like this …

“Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, and it keeps no record of wrongs. 6Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. 8Love never fails.”

I observe that almost all of the Christian religion are comparing their selves to other religions, in order to back-up their integrity and truthfullness so that they can convince their followers or visitors that they are the one. The one that people should be joining with in order to received the salvation of God.

Because of this people has a less time to practice Love instead they focus more on “comparing”, finding the loop holes of other religions and the worst of this is being JUDEMENTAL. Today there are what I call the religuouse wars and the root-cause of this is because of the question who’s “God is true?” You cannot disregard the fact that when we do debates even this is official or unofficial we do not promote love or enlightenment instead we nurture resentment. Some might say it depends to a person how he looks at it but come on! once you engaged to a debate you cannot disregard the fact that resentment is there, you want to prove that your oponnent is wrong and you are right, after all I don’t disagree on engaging to any debates what I want to point out is that most all of religion today focus them self on comparing, judging and simply trying to prove that they are right!

To those people who are too busy on comparing the religions from other religions I asked you to pause for a while and asked this question to your self.

“What is the status of my religiouse or spiritual life?”

Are you doing what God really wants you to do? Anyway what God wants us to do? In Christian life Jesus said in Matthew 22:36-40 KJV (when being asked by his follower)

“Teacher, which is the most important commandment in the law of Moses?”

Jesus replied, You must love the Lord your God with all your heart, all your soul, and all your mind. This is the first and greatest commandment.

A second is equally important: ‘Love your neighbor as yourself.’ The entire law and all the demands of the prophets are based on these two commandments.”

Do we Love God?

“Yes of course”

You may say that because that’s why you  spread the word of God and try to convert many people as much as possible, but how about the second commandment? Do you love your neigbhor? Or your fellowmen?

If not, remember what Jesus said “A second is equally important” and that second commandment is Love your neighbor as yourself.

I agree on the purpose of deepening our biblical knowledge and share this to others or convincing others to listen in our doctrines but we must not  confuse our selves on being dominating from being cultivating.

Jesus said Love God, Love your neigbhor as yourself then the entire law and all the demands of the prophets are based on these two commandments.

If we will spread the word of God, make it sure you do it with love and like what Johann Wolfgang von Goethe said “Love does not dominate; it cultivates.” Word of God must be like nourshing to others people soul, it helps people to change and grow for the better. Domination is opposite, its purpose is to govern others set of beliefs or convert it by force just for over night, like what is written on I Corthian 13:4-8 “Love is Patient, Love is kind” we must give other people time to digest from what they heard from our doctrines (that we believe) and be kind to their point of views. Its also written that Love is not boast and self-seeking, even how sure we are to what we know, still we must prevent on being boastful or judgemental, as what I said being Patient and Kind are the ingredients of love and doing your biblical missionary without love will be useless because it is not whats the Gods will because GOD demands you to LOVE.

Yes he wants your officemates, family, wife, son, dauther or grand parents to received salvation but God want to be accepted because they love him and not because they are just required to accept him.

If there is such thing a failure of any religion I say that is the lack of time to spend for love.

Love is not emotion it is Action that’s why if you going to analyzed Jesus wordings when he said “You must LOVE God” and “LOVE your neighbor” its like “Worship God” or “Believe on God” Worshipping and believing God must not be a random act it must be consistent. In Love we must focus our attention because Jesus didn’t said Worship or just believe on God, Jesus didn’t said deliberately force your fellow men to convert and judge them if they refuse. Jesus said LOVE them because that’s all of us need. Worship without love is empty how matter big your church is or how large your population number is. Everything is connected to love, that’s why we want to live, its either we love our selves or we want to live for someone else and some are both.

Again Jesus said “Love God” which I believe that’s everybody already doing, but he also said “Love your neighbor (he means love your fellowmen)” and when he said that he means no exception! He didn’t say love only your fellow religious members and mock other religions, he didn’t say love only your country men and dismiss other nationality, he didn’t say love only the holy (if there is such a person) and hate the sinner.  What Jesus said is LOVE your neighbor PERIOD! No exception and no categories just Love. Before he said the second commandment he said “A second is equally important” and Jesus means both must be accomplished.

Just like John Lennon said “All you need is love”


Love you all



Hulyo 9, 2011
Lahat tayo may paglalagyan

Alam mo kung ano ibig kung sabihin


Titigan mabuti ang litrato ng ataol na nakikita mo sa artikulong ito at pabulong mo na itanung sa iyong sarili na “Handa ka na ba?”

Handa ka na bang ihimlay ang iyong panglupang pangangatawan sa kahong gawa sa kahoy na ito?

Handa ka na bang iwanan ang mga materyal na bagay na tinuturing mong pag-aari?

Handa ka na bang iwan ang mga minamahal mo ngayon sa buhay?

Maraming tanung na pwedeng itanung sa iyong sarili pero malamang na malamang ang sagot mo sa mga tanung na ito ay isang malaking HINDI.

Pero natanung mo na ba ang iyong sarili kung BAKIT?

Noong nakaraang taon ay nagtanung-tanung ako sa mga kakilala ko, iba-iba ng lahi, propesyon at maging sa mga kababayan nating Pinoy dito sa Saudi at tanung ko sa kanila…

Are you ready to die today? O sa wikang tagalog ay Handa ka na bang mamatay ngayon?

At ang mabilis at malinaw nilang sagot ay HINDI at ang kasunod ko namang katanungan agad sa kanila ay isa ring mabilis na tanung na BAKIT?

Bakit ayaw mo pang pumanaw ngayon? O Why you don’t want to die today?

At sa pangalawang katanungan na ito ay nagkakaiba-iba na sila ng sagot ngunit napansin ko ay marami ang sumasagot ng ganito


MARAMI PA AKONG GAGAWIN (Pero kapag tinanung mo kung anu-ano ang mga ito ay hindi naman  masagot ang tanung kung anu-ano ang gustong gawin)

HINDI KO ALAM PERO AYAW KO PA (ito ang para sa akin ay nakaka-alarmang sagot na dapat pag-isipan)

Napansin ko na kapag kamatayan na ang paksa ay madalas natin gustong ibahin ang usapan.

Alam ko na nakakatakot itong isipin at nakakadisturb sa utak pero alam rin natin na kahit sino ka pa, dito ang huling destinasyon mo.

Keh magpa-crimate ka o ano pang klaseng proseso ang gusto mong gawin sa iyong katawan ang punto ay lahat tayo mamamatay.


Sa pagtatanung ko tungkol sa kung handa na ba sila mamatay ngayon ay napansin ko na nahahati lang sa tatlong uri ang mentalidad ng taong humaharap sa isyu ng kamatayan at ang mga ito ay ang HANDA NA, HANDA NA PERO GUSTO PANG HUMIRIT at yung HINDI PA HANDA DAHIL HINDI PA NABUBUHAY.

Isa-isahin natin.


May mga taong handa na kung sakaling dumating na ang araw ng kanilang pag-panaw dahil para sa kanila walang dapat pag-sisihan sa kanilang pag-lisan, nagawa na nila ang kanilang mga itinakdang misyon sa buhay. Hindi dahil sa wala silang maiiwang mahal sa buhay o hindi dahil sa gusto na nilang lisanin ang buhay sa mundo o iwan ang mga minamahal at nagmamahal sa kanila kundi alam nila na sa buhay lahat ng may simulain ay may katapusan, ito ang proseso ng buhay sa mundo na dapat nating tangapin dahil kung hindi, hindi mo matatamasa ang kabuuang sarap ng buhay.


Pangalawa, Ito ang mga taong may malinaw na layunin sa buhay at hiling nila na kung pwede pang i-extend ang kanilang buhay hangang sa matapos ang kanilang takbuhin ngunit kung hindi naman ay ayus lang din.


Pangatlo, (ito siguro ang medyo mahabang paliwanagan) ang huling uri ng mentalidad na marami naman ang may ganitong kaisipan ay yung mga tipong ayaw pang pumanaw dahil hindi pa nila talaga nasisimulang mabuhay. Ano ba ang ibig kung sabihin sa “mabuhay”? hindi purke humihinga ka ay totoong buhay ka nga per se siguro practically speaking oo, pero sa totoo lang maraming tao sa mundo ang naglalakad araw-araw ngunit sa loob-loob nila, silay mga patay.

Ang ibig kung sabihin ay maraming tao ang pinagkalooban ngang mabuhay ngunit hindi naman ibinubuhay ang buhay. Ang mga taong ito ay ayaw pa talagang mamatay dahil hindi pa nila napag-dedesisyunan kung anong buhay ang gusto nilang maging, ang mga taong ito ay ayaw pang pumanaw dahil ayaw nilang masayang ang pagkakataong itong mabuhay sa mundo para gawin ang gusto nila at higit sa lahat ayaw nilang lisanin ang mundong ito na may pag-sisisi.

Ang usapang kamatayan ay isang WAKE-UP CALL TOPIC NA USAPAN hindi ko layunin na takutin ang mga mambabsa manapa ang aking intensyon ay gisingin kayo kung sakaling ang uri ng inyong mentalidad ay yung nasa pangatlo. Dahil sabi nga nila maikli lang ang buhay, unpredictable pa at di lang iyan minsan medyo britle pa. So wag isapang walang bahala ang buhay na iyong natangap kahit na anung uri pa iyan. Sabi nga ng isang tanyag na Psychologist na si Viktor Frankl

Don’t ask Life what it will offer to you instead ask your Self what you can offer to Life

Paraphrasing Viktor Frankl from his book Man Search for Meaning






The picture is taken from  The purpose of this article is to make a wake-up call to my fellow Filipino and not intending to sale or promote any. If posting this picture means any offense please let me know by using the comment feature or emailing me and I will remove it immediately as soon as I receive/read the message/comment. Thanks 😀



Hunyo 30, 2011

Mahirap matangap na kung minsan talagang dumadating sa punto ng buhay mo bilang isang blogista ay lalangawin ang iyong blogsite.

Yung tipo bang pag bisita mo sa iyong hapag-page eh makikita mo na parang wagapak sa lupa ang views number ng isang entry na nilathala mo, yung entry or article na pinagbuhusan mo ng panahon, talento at san-damak-mak na effort.

Minsan magtatanung ka sa sarili mo “May tao ba dito sa WordPress?” o di kaya naman sasabihin mo..  “Ako lang ba Filipino dito?” para kasing walang makaintindi ng tagalog eh.

Hindi malayo na ito ang isa sa maging dahilan para makapag-pababa ng iyong moral upang ipag-patuloy pa ang nakahiligang libangan at ito ay ang pag-sulat o pag-bloblog.

Pero para sa akin ang masasabi ko ay huwag itong hayaang maging dahilan upang tumigil sa pag-sulat o pag-blo-blog lalo na at kung ang iyong isinusulat ay pinaniniwalaan mong may mahalagang mensaheng ipinapahayag at ang layunin ng mensahe na ito ay mabuti.

Tulad nalang ng blogsite na ito ( noong nagsimula ako ay talaga namang walang nabisita. Maka isa hangang limang views nga lang ang makita ko eh sobra-sobra na ako sa tuwa. Ako naman ay natutuwa hindi lang dahil sa napapansin ang blog ko kundi ang pangunahing ikinaliligaya ko ay umaasa ako na yung isa o limang mga naligaw na viewers ay nabahagian ko ng aking mga ideya na kung saan maari nilang maisama ang ideya na ito upang gawing reperensya sa pagpili ng positibong desisyon.

Yun ang layunin ko kung bakit ako gumawa ng account sa wordpress at yun ay upang magbahagi ng mga pinaniniwalaan kung positibong artikulo na makakapagbigay pakinabang sa mga mambabasa. Syempre kung minsan kasama narin doon yung interes na makilala kahit papaano dito sa mundo pero to tell you the truth sumikat man ako o hindi ay ayus lang basta in some way nakatulong ang aking mga naisulat sa mga nangangailangan o mga mambabasa.

Ngayon ay malapit ng magtatlong taon ang at sa mga panahong ito ay uma-aabot ako kung minsan sa 200 viewers at madalas kung napapansin ay hindi na ako bumababa sa 100 na mambabasa at take note kung dati ang mga viewers ko eh mga naliligaw lang pero ngayon karamihan sa kanila ay talagang sinasadya na ang blogsite na ito, ibig sabihin eh tinatype na ang pangalan ng blog na ito. Ang sarap ng feeling ng ganoon at isa pa pala na dapat ninyong i-take note na madalas ko ring sinasabi na ang site na ito ay walang kung anu-anong gimmick or tricks para magpapansin sa cyberworld o palakihin ang traffic. I can be proud of it to say that all of my views are authentic and genuine.

Minsan ay bumabalik rin ang dati na parang mahina ang mga bumibisita sa blogstie na ito pero sabi ko nga keh isa lang iyan ay ayus parin sa akin dahil malay mo yung isang iyon ay talagang nangangailangan ng isang reperensya para makabuo ng isang positibong desisyon sa buhay at umaasa nawa ako na itong blogsite nga na ito ay maging tulong sa kanya.

Naisulat ko ang blog na ito dahil gusto ko na ibigay mensahe sa mga kapwa ko blogero lalo na yung mga nakakaranas na nilalangaw ang blog nila kahit sa kabila na alam nilang ang nilalaman ng kanilang blog ay kapaki-pakinabang ay huwag nating gawing itong dahilan upang tumigil, manapa eh gawin itong isang hamon o inspirasyon na magpatuloy pa. Maaring hindi pa nalalaman ng mga taong may tulad ng blog mo na existing na o di kaya naman baka wala pang nakakaisip nung naisip mo kaya hindi pa ito nabibisita ng mga tao.

Ang masasabi ko na isa sa mainam na bisyo sa buhay ay ang pagsusulat at kasunod nito ay maibahagi ang iyong naisulat sa madla. At napaka swerte natin ngayon dahil sa tulong ng internet at tulad ng mga blog distributors (tama ba?) tulad ng ay nabibigyan tayo ng opurtunidad na mailathala ang ating mga naisulat ng libre.

Kaya’t kapag nilalangaw ang aking blogsite hindi ko hinahayaang mabahala o malungkot dahil ang pangunahin ko namang layunin ay hindi para magpasikat kundi para makatulong sa pagpili ng positibong desisyon sa pamamagitan ng aking mga artikulo at nawa’y ganoon rin kayo.



Rocky Rivera


Hunyo 26, 2011

Sa totoo lang ayoko ang ideya ng “Palugit” o sa wikang ingles eh “dead-line” kasi nakaka-Pressure pakingan, isa pa para sa akin kapag pinapalugitan mo ang isang gawain eh madalas na nagiging hindi kaaya-aya ang nagiging resulta lalo na kung “SAKAL”  o “GIPIT SA PALUGIT” , ibig kung sabihin eh kung masyadong maiksi ang oras na naibigay. Ganun kasi ang tingin ko sa mga ginawa kung project noon sa iskwelahan at sa mga paghahanda ko sa mga big event ng buhay ko. Laging sa likod ng aking isipan ay may mga balisang tanung na

“Paano kaya kung mahaba-haba pa ang paghahanda ko?”

hindi siguro ganito lang ang naging resulta…

Tinanung ko sarili ko kung ano ba layunin ng palugit sa buhay natin?

Para ba gipitin ang ating sarili o i-pressure ang ating utak?

Pero nagtapos ako sa kunklusyon na…

Ang Layunin ng palugit ay para himukin tayong tapusin ang isang gawain sa payak na panahon.

Yun ang layunin ng PALUGIT ang pwersahin tayong matapos ang isang gawain o bagay sa napag-usapan o tinakdang panahon.

Finish or Not Finish dapat ng hatulan ang iyong nagawa.

Tinanung ko ulit ang sarili ko, bakit ayaw ko na PINAPALUGITAN ako?

Alam mo ba kung ano ang sagot ko?

Dahil gusto kung PERPEKIN (Perfect) ang trabaho ko. Maganda sana ang dahilan ko sa unang pandinig pero kamalaunan nagunita ko na kung gusto kung perpekin ang isang gawain o bagay gaano naman kayang kahaba ang kailangan para maperpekto mo ang isang gawain (o bagay)?

Nabasa ko ang artikulo na isinulat ni Steve Pavlina na pinamagatang “Completion vs. Perfection” na kung saan pinupunto niya dito na mas maiging matapos natin ang isang bagay o gawain na nasimulan kaysa sa napaka detalyado nga ng pagkakagawa pero kulang-kulang naman. Matapos kung basahin ang aritukulo ay nangiti nalang ako sa akin sarili. Parang sapul na sapol ako sa mga sinasabi niya rito partikular na sa pagsusulat ko ng blog articles. Marami na akong mga naisulat na artikulo pero hindi ko mailatha-lathala dahil naghihintay ako ng perpektong pagkakataon na kung saan ay wala naman akong malinaw na basehan.

Tinanung ko nga ang sarili ko kung ano ang say-say ng mga artikulong ito na may mga kaaya-ayang pamagat, malaman na impormasyon at malinamnam na mensahe kung nakabin-bin lang ito sa aking hard drive at walang nakakatanaw kundi ako lang (na kung saan ay paminsan-minsan lamang) dahil dun ayun! Pinagpapalugitan ko lahat ng mga artikulo kung nakabinbin lalo na yung nakatenga lang sa mahabang panahon.

Nagunita ko na marami palang basehan ang pagiging perpekto. Pwede ko palang sabihing ang artikulo na ito ay perpekto dahil tinapos ko sa lalot madaling panahon at hindi napaso sa palugit. Pwede din namang “hindi” dahil maaring kung dadahan-dahanin ko ay gumanda pa lalo at mas lalo ko pang mapa-swabe ang paghahatid ng aking mensahe. Pero ano ba sa dalawa ang totoo? Para sa akin ay sasangayunan ko ang sinabi ni Steve sa kanyang artikulo. Di bale ng may kapintasan ang tinapos mung gawain kesa sa halos habang buhay na namang nakatenga ang mga proyekto mo, sabi nga rin niya at sabi ko rin sa aking isang artikulo noon ay DETRACTORS ALWAYS HAS EXCUSECES kahit gaano ka pa ka flow-less kung detractors mo yan laging meron yang baong pamintas sa iyo. Pero bakit nga ba ako sumusulat? Para ba makuha ang approval ng mga tao? Hindi! Kaya ako sumusulat ay para ibahagi ang aking nalalaman at umaasa na sa anu mang paraan ay makatulong rin sa mga mambabasa.

Sa anut-ano pa man at sa ayaw man natin o hindi lahat tayo ay may palugit sa lahat ng mga bagay-bagay sa ating buhay.

Sabi nga nila pana-panahon lang yan, pero hindi nito ibig sabihin na sasabay kalang ng sasabay sa panahon kundi dapat matutunan natin kung paano dumiskarte  sa pagbabudget ng oras dahil alam natin na hindi nadadagdagan ang oras natin sa mundo kundi paubos ito ng paubos.

PALUGIT yan ang isa sa nakikita kung kasangkapan paano diskartehan ang mga yugto sa ating buhay.




Nobyembre 11, 2010

Isa sa madalas nating tinitignan na basehan para kilalanin ang ating sarili ay kung anung bagay ang meroon tayo… Pero dapat natin tandaan na…









Sino ba talaga ang totoong ikaw?

Kung hindi tayo ang laman at buto ng ating katawan eh sino ka bang talaga?


Maaring yung iba eh mababaduyan o matatawa sa sagot pero di’bat mga espiritu tayo talaga na binigyan ng pagkakataong mabuhay sa pisikal na mundo?

Sabi nga ang huling kasuotan na isusuot mo ay yung WALANG BULSA.

DAhil ika nga, kung ano ka nung dumating ay gayun karin sa paglisan.

“Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it” (Ecclesiastes 12:7).

And if you think that you are what you have…

Think again…


Abril 4, 2010


Anumang pagsubok ang dumating sa ating buhay, gaano man ito kalaki, kasakit o kahirap itoy mapagtatagumpayan parin ng tao

Kahit na sabihin mong siya ay kapos sa salapi o anumang material na bagay, iniwan ng kanyang mga tinatawag na kaibigan (o mahal sa buhay) at kahit na sabihin mong ang kanyang katawang panlupa ay may malaking depekto na. Hangat ang isang tao ay mayroong PANANAMPALATAYA itoy kanyang malalagpasan.

Ngunit kung ang isang tao ay mawalan na ng PANANAMPALATAYA sigurado ako na maging sino man siya, siya ay siguradong babagsak.

Keh Pananampalatang relihiyon, espirituwal o pananampalatayang dapat kang mabuhay para sa iyong mga minamahal ang obserbasyon ko lang na anumang krisis, trahedya o pagsubok, kapag may PANANAMPALATAYA ang isang tao, ito ang magsisilbing ALAS nya para MANALO sa anumang hamon ng buhay.


Rocky Rivera