👋 WHAT’S UP ME?

 

WHAT’S UP Me 2019?

My Online Resolution is To be more connected while my personal resolution is to began building my corporation for my family’s livelihood.

 

WHAT’S UP Me 2018?

A year where I gone under, deep dive, baptized under fire, became the better man I was before and gone to my golden milestone of 10th year as a blogger in WordPress.com.

 

WHAT’S UP Me 2016-2017?

Sa ngayon po ay nakasama ko na ang aking may bahay (asawa) Yahoo! Naririto po kami sa Jeddah at inaabangan ang pag-silang ng aming pangalawang anak. Salamat po Ama!

 

WHAT’S UP Me 2015?

Paki-basa po ang kawing sa ibaba para maipaliwanag sa inyo kung ano ang pinaka-bago patungkol sa akin… Salamat:)

 

WHAT’S UP Me 2014?

Ang bago sa akin sa taong ito ay ang aking pagkahilig sa art film at pag-gawa nito. Balak ko na gumawa ng mga art films na may temang halintulad sa mga isinusulat ko sa blogohang ito.

My RETASO Art Film’s 2014 Collections
o Pelikula Pelikula

 

WHAT’S UP Me 2013?

Matagal na akong tumigil sa paglalaro ng Basketball ngunit ngayon akoy nagbabalik eto nga at nagbuo ako ng koponan na pinangalanan kung Almarai Knights! Naglaro ako ulit hindi para kumamal ng maraming puntos o humakot ng mga kapyonato, akoy nagbalik dahil noong matapos kung mapanood ang interview ni Michael Jordan noong kanyang ika-50 anyos ay nagunita ko na marami palang pwedeng gamiting halimbawa sa Basketball at sa buhay ng tao na kung saan sa paraang ito mas magiging malinaw sa atin kung papaano intindihin ang buhay na may positibong pananaw.

 

WHAT’S UP Me 2011-2012?

Kamalaunan akoy naging interesado sa pagtutugma-tugma ng mga salita at sinubukan kung gawin ang pag-gawa ng Rap song para kako maibuod ko ang aking mga mensahe at maging kawili-wili narin sa pandinig ko at sa babahagian kung kapwa, ako ay namangha dahil mula sa pag-gawa ng mga awitin aking nalaman na ang industriya ng Rap ay isa lang sa mga elemento na aking nadiskubre at ang kabuuan nito ay tinatawag na kultura ng Hip-Hop.

Mga nai-impok na musika

 

WHAT’S UP Me 2008-2010?

Si Rocky Rivera ay isa sa mga “Pinoy Self-help blogger” na kung saan ang pinaka tema ng kanyang mga artikulo ay nakatuon sa “PAG-IBIG”.

Naging Blogero noong taong 2008 at ang mga madalas bisitahin sa kanyang mga naisulat ay ang mga sumusunod…

o  Maagang Pag-aasawa
o Ano ang Matibay na batayan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo
o FRATERNITY DAPAT BANG PASUKIN?
o Hind karanasan mo ang huhubog sa iyong buhay
o GOD WILL WORK WITH YOU, NOT FOR YOU
o HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO
o EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN
o KARANASAN O PINAG-ARALAN?
o NIKON O CANON?

…AT MARAMI BANG IBA, PAKI CHECK NALANG ANG BLOG SITE NA ITO.

Lahat ng kanyang mga sulatin ay nakaimpok sa RockyRivera.wordpress.com at ang paglago ng kanyang trapik (traffic) sa website na ito ay dahil sa kusang paghahanap ng mga taong nagnanais ng opinyon o kasagutan sa kanilang mga katanungan o isyu sa buhay.

Walang halong gimmick o anung mga advertisement ang paglago ng traffic sa blogsite na ito kundi purong “kusang pagbisita” lamang ng mga tao.

PINAGMULAN

Tubong tondo at laking tondo, pero nag-aral sa St. Martin de Porres Paombong bulacan, tapos lumipat sa Mariano Ponce Elem. School Blumentrit pero tinapos ang elementarya at highschool sa Philippine Normal University samantalang ipinagpatuloy naman ang pagkokolehiyo sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos sa kursong BSBA Computer Management sa taong 2004.

MGA NAGING HANAPBUHAY

Dating nagtrabaho bilang Encoder sa (IBM), Part time Programmer (sariling raket), Outbound Call Center Agent (EPAC at AIMS) at ngayon ay kasalukuyang empleyado bilang Production Planner sa Almarai, isang malaking Dairy Company dito sa Gitnang Silangan.

Updated as of 2016: Kasalukuyang lumipat ng Jeddah bilang isang Warehouse Team Manager, para makasama ang Pamilya.

DATING GAWAIN

Bago ako naging isang blogero ay dati akong talentado sa sining, napipili ang aking mga ginuguhit noon para ipanglaban sa ibang eskwelahan ngunit mula noong tumuntong na ng highschool ay nawala na sa subject namin yung M.A.P.E

(Music Art Physical Education) kaya natuon ang attensyon ko sa martial arts at pinasok ko yung Taekwondo pero kamalaunan ay nabato ako at nawalan ng interes kaya kamalaunan ay napunta sa Internet Porno, Playstation-1, barkada at basketball ang attensyon ko pero mas maraming panahon ang tinuon ko sa Porno at Playstation-1 kaya hindi gaano nagprosper ang career ko sa basketball, binalak ko pa naman noong maging isa sa varsity player ng Letran pero ganun pa man ay thankful ako dahil masasabi kung successful naman ako sa pinili kung career at ito ay ang mundo ng “Kompyuter” pero kamalaunan ay nawalan narin ako dito ng interest kasi parang pang “Nerd” lang ata ang kursong ito kayat napunta naman sa kotse ang hilig ko lalo na nung ibinili ako ng erpat ko ng Lancer noong nagtapos ako ng kolehiyo. Mula noon ay naging interesado na ako sa karera ng kotse at makina, masasabi ko na ang Lancer ko ang nagkumbinsi sa aking magsumikap sa buhay at maghanap ng trabaho para mabili ko yung mga kapritso ko sa oto.

Kaya nga kung anu-anong trabaho na ang napuntahan ko hangang sa mapad-pad na nga ako dito sa Gitnang Silangan. Pero kamalaunan ay ipinabenta ko na yung Lancer ko dahil nabubulok lang sa pinas at walang nag-aalaga kaya eto natuon ang attensyon ko sa pagbabasa ng mga libro at artikulo tungkol sa psychology, self-help, espirtual books at kung anu-ano pa na may interes ako. Kakambal siguro ng pagbabasa ang pagsusulat dahil somewhere in the line ay parang nakumbinsi ko nalang ang sarili ko na sumulat at magtayo ng blogsite. At eto nga ngayon at iyong binibisita at binabasa ang resulta ng aking enthusiasam and interest.

 

BE CONNECTED AND KEEP IN TOUCH 🙂

Below is my other contact, channels and somewhat disclaimer-

 

MY EMAIL ADDRESS

barneyic@ymail.com

MY OTHER ACCOUNTS

COPYRIGHT & OTHER CONCERNS

Hi!

Welcome to RockyRivera.wordpress.com I am running
a non-profit blogsite and all of the stuff
that I am sharing right now are for free.
I might be using some stuff where I took to some site
or files that might concern you however I have
no intention to offend or steal and if you have any
issue on the material that I’ve share like pictures, video, music etc. please let me know by sending me a message on this site and I’ll be removing it as soon as I read your message.

Thank you!

Rocky

PS: Regarding other concern please check the below links. Thanks

WARNING: GRAMMATICAL ERROR(S)

 

 

Advertisements

9 Responses to 👋 WHAT’S UP ME?

  1. yahjme05 ay nagsasabing:

    very detailed ..nice one dude .. =D

  2. Alex V Villamayor ay nagsasabing:

    Hi Rocky.. hindi ko pa nababasa ang karamihan sa blog mo pero saa tingin ko ay interesting ito… Nag-subscribe ako sa blog mo para in the next days ay mabasa ko pa ang iba mong articles…

  3. rockwitralph ay nagsasabing:

    Salamat ng marami sa pagtangkilik sa mga sulatin at naway makatulong ang mga ito. Nakakataba ng puso at nagpapalakas sa mga manunulat na tulad ko ang mga ganitong mensahe… muli ay salamat! 😀

  4. Maureen Bay Odinada ay nagsasabing:

    i want to be like you rocky 🙂

  5. rockwitralph ay nagsasabing:

    Hi Maureen,

    Thank you for the kind compliment, you will become whatever you desire if you persistetly follow those path that you think it will brings you to that destination. I suggest you to value love, truth and courage…

    Again Thank you and have a nice day…

    Rocky 🙂

  6. annarose inson ay nagsasabing:

    nice blog rocky inspiring

  7. katrina ay nagsasabing:

    maraming salamat sa pagbisita sa blogsite ko rock. =) so kamusta ang paglalaro mo ngayon ng basketball? =)

  8. rockwitralph ay nagsasabing:

    All is well na Kat… Thanks for asking….

  9. Doctor Eamer ay nagsasabing:

    Hello brother Rocky! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: