BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO

 Una sa lahat gusto kung batiin ng CONGRATULATIONS!!! Ang mga mag-aaral nating magtatapos sa KOLEHIYO, regardless kung anung edad ka nakatapos o kung ilang taon mo binu-noh ang kurso mo, kahit na dalawang taon lang iyan pero ginawa mong apat na taon eh kongratz parin sa iyo.

 

Tuwing matatapos ang New Years celebration ang susunod na inaabangang okasyon sa Pilipinas ay yung Graduation, maraming mga nasasabik na tao lalo na mga kabataan dahil nga sa wakas sa haba-haba ng panahon ay makakapagtapos din.

 

Alam ko ang pakiramadam ng mga estudyanteng nasa sitwasyon na hinihintay ang graduation-day nila, full of excitement and expectations.

 

Bilang isang mag-aaral rin noon, nais ko na ibahagi sa inyo ang aking naging karanasan noong nagsisimula pa lamang akong humarap sa buhay, sa labas ng eskwelahan.

 

Tanung naming mga estudyante sa mga ka-ALMAMATER naming na nakapagtapos at nagtratrabaho ay ganito

 

Kuya kamusta buhay empleyado?

 

Saan po kayo nagtratrabaho?

 

Mahirap po ba mag-apply?

 

Marami akong mga sagot na natangap, at minsan pa nga ay nagtatalo-talo ang mga sagot kasi yung sagot ng isa ay iba sa sagot nung kabila pero ngayon kung may magtatanung sa akin kung ano ang masasabi ko sa buhay sa labas ng eskwelahan bilang isang graduate student ay magbibigay ako ng tatlong babala.

 

Unang babala: MABIBIGO KA NG MARAMING BESES SA PAGHAHANAP NG TRABAHO.

 

Narinig mo na ito sa radio, tv at maging sa kwento ng mga ka-almamater mo at ako man ay totoong nakaranas ng KABIGUAN sa paghahanap ng trabaho. Mabibigo ka ng MARAMING BESES

 

hindi lang dalawa

 

hindi lang apat

 

kundi

 

MARAMING BESES!!!

 

Hindi ko nais na sirain ang iyong kalooban at pag-asa, ang aking intension ay ipaalam sa iyo ng maaga ang ganitong bagay ay posibleng mangyari sa iyo. May mga taong sinuswerte sa pagkuha ng trabaho pero mas marami ang hindi, sa totoo lang nung panahon ko wala akong narining na ONE TIME APPLICANT and voila he is satisfied or di kaya ONE TIME APPLICANT ay accepted na agad.

 

Ang dapat tandaan sa bawat REJECTION, FAILURE AT SEMPLANG SA EXAM O INTERVIEW ay…

 

HINDI IBIG-SABIHIN NITO NA BOBO KANG TALAGA O WALANG KWENTA!

 

Madalas kasing masiraan kaagad ang maraming aplikante kapag bumabagsak sila, akala nila kapag lumagpak o na-reject sila sa isang interview ay isa na silang WALANG SILBI o WALANG KWENTA, BOBO, TANGA

 

DYAN KA NAGKAKAMALI!

 

Gusto kung malaman mo na ang pag-ha-HIRE sa empleyado ay walang pinag-kaiba sa pag-HALAL sa isang politiko.

 

Alam natin na sa politika mayroong, PALAKASAN, DAYAAN at KORUPSYON masakati mang isipin pero totoong maging sa pag-ha-HIRE sa isang empleyado ay nangyayari rin ang mga ito.

 

Kung sa gobyerno nagtataka tayo kung bakit yung napapabalitang corrupt ay siya pa ang nasa posisyon, walang pinagkaiba sa OPISINA nakakapagtaka bakit kung sino pa ang walang sapat na kaalaman at karanasan ay siya pa ang nasa mataas na posisyon.

 

Kaya kung lumagpak ka sa isang pag-subok at hindi mo maintindihan kung bakit? Kahit sa kabila ng kaalaman mo na maganda naman ang iyong ipinakita, isipin mo nalang na baka NA-POLITIKA ka.

 

Hindi ito isang SOUR GRAPING kundi pag-protekta lamang sa iyong isip laban sa anumang negatibong kaisipan, dahil kapag puro negatibong kaisipan ang laman ng iyong utak, malaki ang posibilidad na negatibo din ang mga kakasangkutan mong sitwasyon at ito ay aking tunay na pinaniniwalaan.

 

 

Pangalawang babala: HUMANDA KA SA IYONG MADIDISKUBRE

 

Maraming mga katulad kung mag-aaral na ayaw humarap sa katotohanan, na kung minsan sa gitna ng kanilang pamumuhay, kanilang malalaman ang katotohanang ang kursong kanilang pinaghirapan sa mahabang panahon ay hindi pala ang kursong kanilang tunay na gusto.

 

May mga nagpumilit mahalin at may iba namang naging matapang at matatag na sundin ang kanilang tunay na kagustuhan.

 

Kung ako ang tatanungin kung ano ang tama ay masasabi ko na pareho, para sa akin kung naging bukas ka at hinarap ang iyong nadiskubre, ano man ang sitwasyon nito ay ayus na sa akin.

 

Pangatlong babala: WALANG KATAPUSAN ANG PAG-AARAL

 

Natatandaan ko noon ang sinabi ng Paring nagbigay ng speech sa aming graduation-day ang sabi niya sa wikang ingles

 

Graduation is not the end of education, because education is lifetime undertaking…

 

            Madalas na maling isipan ng mga estudyante kapag nakapagtapus na ay tapus narin ang pag-aaral, ito ay MALI. Kahit maging sino ka man at kahit ano man ang iyong marating hindi natin dapat putulin ang responsibilidad na mag-aral dahil kapag isinarado natin ang ating kaisipan sa pag-lago ng nalalaman itoy isang paraan ng pagpatay sa sarili.

 

Sabi nga

 

the essence of life is to grow!

 

At ang growth ay titigil lamang kapag inabutan ng kamatayan.

 

Ang GRADUATION ay isa lamang sinyales na sasabak ka na sa digmaan at tulad ng isang sundalo hindi ito nagkakasya sa kaalamang kanyang natutunan sa kampo kundi kanyang pinagsasama ang mga natutuhan sa labas at loob ng eskwelahan para mas lalong maging epektibo ang kanyang mga taktika.

 

Sa pagharap mo sa buhay, sa labas ng eskwelahan mas marami kang masasaksihan, mabibigla ka, masisindak pero ang pinaka kapakinabangan mo eh may mapupulot kang aral, aral na magagamit mo para sa mga susunod pang mga adventure sa buhay.

 

Lilinawin ko MASAYA ang buhay kapag nakatapos ka ng kolehiyo, oo mahirap sa una, eh ano ba naman ang naging madali sa una? Lahat ng itinuturing nating matagumpay sa buhay ay dumanas ng maraming hirap sa pasimula pero darating ang puntong ang mga pinaghirapan ay siyang aani ng ginhawa.

 

Muli gusto kung batiin ang mga mag-aaral na magtatapos ngayon, dahil sa wakas! Tapus na rin!

 

CONGRATULATIONS sa inyong LAHAT!!!

 

PS.

Maari mo ring basahin ang artikulong akin ring isinulat na pinamagatang

Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)

8 Responses to BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO

  1. pinoyonlinenovels ay nagsasabing:

    YAHOO GA-GRADUATE NA AKO THIS APRIL 4!!! ANG SAYA-SAYA!!!

  2. rockwitralph ay nagsasabing:

    ^ Nice to you! Celebration to the Maximum level yan!

  3. alasais ay nagsasabing:

    parte talaga ang failure sa buhay. dahil sa tao lang tayo, nagkakamali talaga tayo. ‘yung mga successful nga ngayon malamang e dumaan din sila sa series of failures.

    at ang pag-aaral? tumpak. hindi natatapos ang pag-aaral sa eskwelahan. marami pa tayong matututunan sa labas.

    – tenco of alasais

  4. rockwitralph ay nagsasabing:

    ^ you got that right!

    imagine the light bulb bago ito mag-succed 10,000 times nag-fail si Edison bago niya ito napatakbo ng maayos. Imagine if Edison stop on his third or fifth attempt? baka gasera lang ang gamit natin ngayon.

  5. […] Maari mo ring basahin ang artikulong akin ring isinulat na pinamagatang BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO […]

  6. […] BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO […]

  7. Marvin Lince (@TotoyMarvss) ay nagsasabing:

    Napakahusay! maraming salamat sa payo! Soon to be Graduate po 🙂

  8. rockwitralph ay nagsasabing:

    Congrats in advance! and wish you all the very best!🌈🏁🚴

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.