Ano ang DAHILAN kung Bakit Tinitira ng Media ang mga taong Matataba?

Pasimple ang pagtira ng media sa mga matataba. Dinadaan sa mga pabiro pero kung susuriin mo ang epekto nito sa isipan ng mga tao ay parang sinasabing KAMUHIAN MO ANG MATATABA! O di kaya naman ay parang isang kapansanan o dapat maging dahilan upang maging malungkot kapag ikaw ay mataba.

Paano ba nabuo ang ganitong ideya na kapag mataba ang isang tao ay dapat pagtawanan? Sa tingin ko ang kaisipan na ito ay ating nakuha sa panonood ng TV kung saan nakikita natin na madalas ginagawang laughing stuff ang mga taong matataba.

Ipinapakita na walang super-hero na may malaking tiyan, walang prince charming na chubby o di kaya ay walang matabang magiging bida kundi pang side kick na lamang.

Maaring nagtatanung ka rin kung minsan bakit nga ba maraming patama o pa-ngu-ngutya sa mga taong mataba?

Ano ang dahilan? Sabi ng iba…

Basta nakakatawa ang mga taong matataba period!

Pero ito nga ba talaga ang totoong dahilan kung bakit?

Sa tinging ko ang malalim na dahilan kung bakit tinitira ng TV o Media ang mga taong matataba ay dahil sa…

NEGOSYO

Oo Negosyo.

Pansinin mo ano ang kasama ng isang taong matcho o sexy kapag nakikita mo sila sa isang poster ano nakikita mo?

Mga tatak ng damit.

Mga gamot na pampapayat.

Mga clinic o ospital na kung saan pwede kang magpasip-sip ng taba.

Parang sinasabing…

Oy! Mataba ka eto gawin mo, magpunta ka sa clinic ko pahigop mo yang mga taba mo, inumin mo ang gamot na ito para masuot mo ang ganitong tatak ng damit at maging katulad mo ang modelo na iyong ini-idulo.

At tayo naman ay nadala ng ganitong uri ng kaisipan o sabihin natin na namanipula tayo.

Matagumpay na naprogram sa ating isipan na dapat kang magkaroon ng six-pack abs kasi yun ang Katawan ni Model X, dapat ganito ang damit mo kasi ganun ang sinusuot ni Model Y at dapat makapagsuot ka ng tight jeans at tight shirt kasi yun ang mga fashion thread ni Model X at Y.

Habang nagpapanic buying ka o nag-aalala kung papaano mo gagayahin si Model X at Y ay tuwang-tuwa naman ang mga negosyante na nagsusustento  sa advertisement campaign nila Model X and Y dahil nakikita nila na nagkakagulo ang mga tao para tangkilikin ang kanilang mga produktong ibinebenta. Samantalang ang mga nagsusustento na ito kung titignan mo ay napakalayo naman ng itsura o katawan sa kanilang mga mudelo (na si X and Y) ngayon kung tatanungin mo bakit ganun? Hindi nila ginagaya si X at Y samantalang ikaw eh patay na patay sa mga ito?

DAhil hindi sila apektado kung maging katulad nila o hindi ang mga ito. Kasi ang mga INVESTORS ang maaring punot-dulo ng mga fashion thread na kung saan nag-didikta sa publiko na dapat mong isuot ang ganitong damit dahil ito ang USO. Sila ang gumagawa ng paraan upang maniwala ang tao na “there is such thing na USO or IN” at kapag ikaw ay wala sa ganitong pamumuhay ay ituturing kang STRANGERS. Sila ang may akda ng mga ganitong GIMMICK so sundin man nila ito o hindi ay wala sa kanilang epekto dahil kahit anung oras kaya nilang baguhin ang takbo ng USO at isang iglap ang mga binili mo o sinusunod na life style ay MA-LAOS at mapabilang ka sa mga STRANGERS.

Masama bang gayahin si Model X at Y? hindi sila masama gayahin ngunit hindi rin masamang hindi maging katulad nila. Dapat lang maging malinaw sa atin na si Model X at Y ay kabilang lamang sa mararaming Modelo na pwede nating tularan, wala sa kanila ang TAMANG MODELO at hindi importante dito kung sino yung TAMA ang importante dito ay yung kung ano ang GUSTO MO at saan ka KUMPORTABLE.

=-=-=-=-=

PAHABOL

Wala akong particular na estasyon o grupo ng mga medya na tinutukoy na kung saan mismong nagpapatama sa mga matataba o nagmamanipula sa mga isip ng tao. Duda din ako na maski silang mga empleyado dito ay manipulado narin at kung tatanungin ninyo ako kung sino itong MASTER MANIPULATOR ay wala akong ideya kung sino talaga at isa pa, hindi ako interesadong malaman kung sino nga ang pasimunong ito.

Masaya na akong nagunita ko ang ganitong isipan dahil sa pakiramdam ko ay unti-unti akong nagiging malaya.

Hindi ko sinasabing mali o wala tayong dapat paniwalaan sa mga napapanood sa TV ang suggestion ko lang bago tayo maniwala ay magkaroon sana tayo ng sariling processo kung saan masuri nating mabuti kung valido nga ba ang inpormasyon na napapanood o nakikita sa TV.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: